I’ve been very busy last week till now dami ko na draft folder 🙁, worst pa nasira car aircon ko which cost 12k for the repair. I experienced the super init while driving 130pm and stuck on a traffic for 30 mins, my goodness as in super pawis to the max na ako. I don’t know pano nakaka survive mga nakabilad sa araw that day.
I was browsing on fb when I saw this and I want to share with you guys it makes my heart melt, when I become a mom that’s the time that I really realized the value of a mother and I‘m so lucky that I still have her in my life
Pag-ibig ng isang Ina ( A Short-Inspiring Story)
Sembreak. Tumakbo ang bata sa kanyang ina na naghahanda para sa kanilang hapunan sabay abot ng isang pirasong papel sa ina na kanina pa niya sinulat pagkatapos gawin ang mga inutos ng ina sa kanya. Pinahid ng Ina ang basang kamay sa apron at binasa ang sinulat ng Anak:
Sa Pagbubunot ng Damo: P5.00
Sa Paglilinis ng Kwarto: P10.00
Sa Pag-utos sa pagbili ng Asin sa Tindahan: P5.00
Pagbabantay kay bunso habang namalengke ka: P5.00
Sa Walang Bagsak kung Report Card: P10.00
Sa Paggising ko ng Maaga at Pagiging masunurin: P15.00
Total lahat: P50.00
Napatingin ang Ina sa anak na naghihintay sa ibabayad niya. Napaisip, sabay sulat sa likorang papel. Pagkatapos magsulat, ibinalik niya sa Anak ang papel:
Sa 9 na buwan kong pagtitiis na dalhin ka sa aking sinapupunan
habang lumalaki ka: WALANG BAYAD
Sa mga gabing tiniis ko ang puyat para lamang bantayan ka pag may sakit at nagdarasal na gumaling ka: WALANG BAYAD
Sa mga luhang pumatak kapag matigas ang iyong ulo at pawis sa trabaho para lamang may maibaon ka sa eskuwelahan: WALANG BAYAD
Sa lahat ng laruan, damit, pagkain at pagpupunas sa sipon mo.: WALANG BAYAD
Sa aking pagmamahal sayo mula noon, hanggang sa mga oras na ito at hanggang sa huling hininga ko: WALANG BAYAD
Anak, pag tinotal mo to lahat, Ang aking pagmamahal sa’yo, WALANG BAYAD.
Binasa ng musmos na bata ang sinulat ng Ina. Napaluha ang bata at napahagulhol. Ngayon NAIINTINDIHAN NA NIYA. Tumingin sa Ina, “Ma, salamat sa lahat!”
Niyakap niya ito at hinalikan. Kinuha ang panulat at sinulat sa harapang papel na kanyang nilista kanina: FULLY-PAID. :’)
THE END.
Love love love our moms